Binigyang-diin ni Department of Agriculture Sec. Francisco Tiu Laurel Jr ang pangangailan na bumuo ng mga bagong kolaborasyon at partnership kasama ang mga agri-fishery stakeholders.
Sa pagbubukas ng ika-11 Philippine Association of Agriculturists, Inc. (PAA) National Congress, binigyang-diin ng kalihim na kailangang makahanap ng mga bagong paraan o sektor ng kolaborasyon para matugunan ang hamon na kinakaharap ng sektor ng pagsasaka at food security sa bansa.
Tinukoy ng kalihim ang ilang mga hamon katulad ng rapid globalization, climate change, at pagbaba ng resources.
Kailangan aniya ng mas malawak na kolaborasyon sa pagitan ng pamahalaan, mga magsasaka, mangingisda, at iba pang bumubuo sa sektor ng pagsasaka upang masigurong tuloy-tuloy ang supply at matukoy kung saan lugar pa ang dapat tugunan o bigyang pansin.
Ang Philippine Association of Agriculturists National Congress ay isang forum kung saan ang mga lisensyadong professional agriculturists kasama ang mga kinatawan ng iba’t ibang grupo ng magsasaka sa buong bansa at tinatalakay ang iba’t-ibang konsepto at best practices sa larangan ng pagsasaka.
Ito ay binubuo ng mga session, kalahok ang mga experto ng pamahalaan, akademiya, at iba pang kinatawan ng industriya ng pagsasaka.
Hinimok din ni Sec. Laurel ang mga kalahok na na ibahagi ang mga kaalaman ukol sa pagsasaka sa mga batang henerasyon upang magpatuloy ang paglago ng naturang sektor.