-- Advertisements --

vietnam

Nais ng Phil. Army na palawakin ang kanilang kooperasyon sa Vietnam People’s Army (VPA).

Ito ang napag-usapan sa introductory o courtesy call kay Phil. Army Commanding General Lt. Gen. Andres C Centino ng Vietnamese Defense Attaché to the Philippines, Senior Col. Nguyen Van Son.

Napag-usapan ng dalawang opisyal ang pagsasagawa ng army-to-army engagements bilang bahagi ng International Defense and Security Engagements (IDSE) program ng Phil. Army.

Tinalakay din ang posibleng kooperasyon ng Phil. Army at VPA sa pagpapalakas ng reserve force at Humanitarian and disaster response.

Sinabi ni Lt. Gen. Centino na committed ang Phil. Army na isulong ang kooperasyon sa technology transfer at information exchanges sa Vetnam Peoples Army.

Ang Philippine Army ay kasalukuyang may International Defense and Security Engagements program sa 20 bansa.

Samantala, pinangunahan naman ni Lt. Gen. Centino ang 4th Quarter Command Conference na ginanap mismo sa Philippine Army Headquarters sa Fort Bonifacio sa Taguig City.

vietnam2

Tinalakay sa nasabing conference ang mga naging achievements ng hukbo lalo nasa kanilang kampanya laban sa insurgency, terorismo at ang disaster and relief operations.

Hinimok ni Centino ang Army commanders na panatilihin ang kanilang momentum lalo na sa kanilang misyon at mandato.

Sa nasabing pulong, iginawad ni Centino ang Army Governance Pathway (AGP) citations sa Light Reaction Regiment (LRR), 3rd Infantry Division, Management and Financial Office (G10), at Operations Research Center (ORC).

Ang AGP ay isang scorecard system na nagdiditermina sa progress ng isang Army unit at maging ng kanilang performance target.