Inilunsad ng Department of Justice ngayong araw ang mas malinaw na procedures sa paghawak ng mga kaso ng online harassment sa bansa.
Katuwang ng ahensya sa inisyatibong ito ang Philippine National Police at National Bureau of Investigation.
Partikular nitong inilunsad ang Guidelines in Gathering Evidence and Case Build-up of Gender-Based Online Sexual Harassment (GBOSH).
Nakipagtulungan na rin ang DOJ sa mga ahensyang nagpapatupad ng batas.
Layon nitong magtatag ng mga malinaw na pamamaraan para sa pagtanggap ng mga reklamo, pagtugon sa mga insidente, at pagkolekta ng ebidensya.
Ang mga alituntuning ito ay magbibigay sa mga awtoridad ng mga kinakailangang kasangkapan upang epektibong mag-imbestiga at mag-usig sa mga nagkasala, na kinasasangkutan ng e electronic evidence anuman ang lokasyon ng mga ebidensya.
Ang paglulunsad na ito ay kasabay ng pagdiriwang ng 2024 Women’s Month, na higit na binibigyang-diin ang pangako ng DOJ na protektahan ang kababaihan at lahat ng Pilipino mula sa online sexual harassment.