-- Advertisements --

Nais ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez na isailalim sa modified general community quarantine (MGCQ) ang Metro Manila.

Sa nasabing paraan ay para mabuhay na muli ang ekonomiya ng bansa.

Kahit na nasa mas maluwag na community quarantine ay hindi dapat kalimutan ang pagsunod sa tamang health protocols.

Magugunitang magtatapos hanggang Setyembre 30 ang general community quarantine ang Metro Manila.

Nangangamba naman ang ilang mga health experts na kapag niluwagan na ang ang nasabing community quarantine sa Metro Manila ay baka lalo tataas ang kaso ng COVID-19.