-- Advertisements --
E 1FKdAVgAEaEBY

Inihirit ngayon ng Metro Manila Mayors sa Inter Agency Task Force (IATF) na luwagan ang guidelines para sa mga fully vaccinated na mga indibidwal sa National Capital Region (NCR).

Kasunod na rin umano ito ng pag-abot na ng mga local government units (LGUs) sa National Capital Region ng kanilang vaccination targets matapos mabakunahan na ang mga residente at workers sa kanilang mga territorial jurisdictions na kabilang sa A1 hanggang A4 Categories.

Habang patuloy naman umano ang pananalasa ng pandemic na dulot ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) ay kailangan na rin umanong makabangon ang ekonomiya ng bansa kaya naman nais nilang magkaroon ng mas maluwag na guidelines para sa mga bakunado nang kababayan.

Layon nitong payagan ang mga fully vaccinated individuals na makapag-engage na sa mga negosyo at iba pang aktibidad.

Pero kailangan pa rin naman daw na sundin ang mga health at public safety protocols sakaling mas luluwagan na ang guidelines sa mga kababayan nating fully vaccinated na.

Naniniwala ang Metro Manila Mayors na ang pagluluwag sa guidelines pabor sa mga fully-vaccinated individuals ay hindi lamang magpapalakas sa employment, industry, services ay iba pang economic endeavors pero makaka-engganyo rin ito sa nalalabing populasyon na magpabakuna na rin para maabot ang tinatawag na herd immunity.