-- Advertisements --

Muling pinulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kaniyang gabinete ngayong araw.

Sa statement ng Office of the Press Secretary, kabilang sa tinalakay sa cabinet meeting ay ang pag-usad ng mga plano ng administrasyon, kabilang na ang pagpapabuti ng pampublikong serbisyo sa pamamagitan ng digital na pamamaraan.

Ayon pa sa ahensya, pinag-usapan din sa pulong ang health protocols ng bansa pagdating sa pagbiyahe at ang panukalang gawing mas maluwag ang travel restrictions sa bansa.

Umani naman agad ng positibong reaksyon ang pagluluwag ng restriction, lalo na sa hanay ng mga byahero at nasa sektor ng turismo.

Pero may pag-aalala pa rin ang ibang stakeholders, lalo’t may mga bagong variant ng COVID-19 na naglilitawan.