-- Advertisements --
Patuloy na inaalerto ng Pagasa ang malaking bahagi ng Northern Luzon dahil sa napakabagal na pag-usad ng tropical storm Ramon.
Ayon kay Pagasa forecaster Meno Mendoza, mas matindi ang magiging buhos ng ulan kapag matagal na nanatili ang sama ng panahon sa ilang partikular na lugar.
Huling namataan ang bagyong Ramon sa layong 440 km silangan ng Casiguran, Aurora.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 65 kph malapit sa gitna at may pagbugsong 80 kph.
Signal number one (1):
Eastern portion ng Cagayan (Santa Ana, Gonzaga, Lal-lo, Gattaran, Baggao at Peñablanca)
Eastern portion ng Isabela (Maconacon, Divilacan, Palanan at Dinapigue)
Northern Aurora (Dilasag, Casiguran at Dinalungan)