Inanunsyo ng Philippine Coast Guard (PCG) na mas marami nang mga Pilipinong mangingisda ang nagagawa nang mangisda sa Bajo de Masinloc,.
Ayon sa Coast Guard, aabot sa 45 Filipino fishing boats ang kanilang namataan sa Bajo de Masinloc nang magsagawa sila ng tinatawag na intensified maritime operations mula Pebrero 28 hanggang Marso 5.
Sinabi ni PCG Commandant Admiral Artemio Abu, malaking bagay ang development na ito sa harap nang mga hakbang na ginagawa nila para sa pagkakaroon ng maritime safety at security sa karagatang sakop ng Pilipinas.
Patunay lamang aniya ang maraming bilang ngayon ng mga Filipino fishing boats sa Bajo de Masinloc na epektibo ang kanilang intensified efforts para matiyak ang kaligtasan ng mga mangingisda.
Noong 2021, iprinotesta ng Department of Foreign Affairs ang pagharang at radio challenges ng Chinese Coast Guard sa Philippine Coast Guard vessels na nagsasagawa lang naman ng legitimate patrols at training exercises sa palibot ng Bajo de Masinloc.