-- Advertisements --

Itinuturing pa rin na pinakamalawak at pinakamaraming nakikinig sa radyo sa kabila ng lalo pang naging popolar sa makabagong panahon ang social media.

Kasabay ng pagdiriwang ngayong araw ng taunang World Radio Day, lumabas ang data na noong 2016 mas marami ang nakikinig sa radio sa buong mundo kumpara sa mga nanonood sa telebisyon at Smartphones.

Ayon sa website na worldradioday.org, bilang universal medium nasa 94 porsyento ng mga adults ang nakikinig sa radyo bawat linggo.

Dahil umano sa 3.9 billion na tao sa buong mundo o kalahati ng world’s population ay wala pang internet, ang radyo pa rin ang “pinaka-most accessible” na medium.

Sa mensahe naman ni Irina Bokona, ang director general ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO), sinabi nito na sa panahon ngayon isa pa rin ang radyo sa pinakamahalagang kumunikasyon na nagbibigay ng real time na medium.

“At a time of turbulence, radio provides an enduring platform to bring communities together. On the way to work, in our homes, offices and fields, in times of peace, conflict and emergencies, radio remains a crucial source of information and knowledge, spanning generations and cultures, inspiring us with the wealth of humanity’s diversity, and connecting us with the world,” ani Bokona sa kanyang mensahe. “Radio gives voice to women and men everywhere. It listens to audiences and responds to needs. It is a force for human rights and dignity and a powerful enabler of solutions to the challenges all societies face.”

Dahil dito ayon pa kay Bokona, mahalaga ang radyo para sa programa sa “2030 Agenda for Sustainable Development.”

Ito ay dahil merong mga bagong hamon ang panahon tulad sa pagresponde sa climate change, pagtalakay sa isyu ng diskriminasyon at iba pa.

Aniya, may gagampanang papel ang radyo para magsilbing tulay sa hindi pagkakaisa at pagpapalakas sa mga dayalogo.

“On World Radio Day, UNESCO calls on everyone to nurture the power of radio to foster the conversations and the listening we need for cooperation to tackle the challenges all humanity faces,” pahayag pa ng UNESCO top official.

Ang World Radio Day ay ipinagdiriwang tuwing February 13 bawat taon.

Ito ay pinroklama ng United Nations Assembly noong taong 2011.

Ang tema ngayong taon ay nakasentro sa mensahe na “Radio is You!”