-- Advertisements --

Mas marami pang malalaking manufacturers ng basic necessities and prime commodities na magpapatupad ng boluntaryong price freeze bilang suporta sa mga Pilipinong konsyumer sa gitna ng tumataas na presyo ng mga bilihin at epekto ng El Nino phenomenon.

Ito ang inanunsiyo ng Department of Trade and Industry ngayong araw ng Sabado, Hunyo 1.

Sa isang statement, sinabi ng DTI na may ilan ng mga kompaniya ang boluntaryong nag-isyu ng price freeze orders sa piling stock keeping units ng canned meat, processed milk, bottled water, instant noodles, condiments at kape.

Tumaas sa 8 ang bilang ng mga manufacturer na nagpatupad ng price freeze saklaw ang 31 stock keeping units,

Bago pa man ang naturang inisyatibo, naging epektibo na ang automatic price freeze sa ilang mga probinsiya at bayan na matinding napinsala ng El Nino.

Sa ilalim ng automatic price control, walang magiging paggalaw sa presyo ng basic necessities sa loob ng 60 araw sa mga lugar na inilagay sa state of calamity.

Top