KORONADAL CITY – Mas hinigpitan pa ang pagbabantay ng bawat veterinarian offices sa buong South Cotabato upang hindi makakalusot ang african swine fever sa lalawigan.
Ito ay matapos lumabas ang ilang mga impormasyon na may mga lugar umanong naapektuhan ng nasabing sakit sa kanilang mga baboy.
Ayon kay provincial veterinarian Dr. Flora Bigot, 24 oras nang nagbabantay ang mga kasapi ng ASF quarantine sa iba’t ibang mga checkpoints sa probinsya.
Dagdag ni Dr. Bigot na hindi makakapasok sa lalawigan ang anumang livestock carrier o meat products kapag walang permiso o clearance mula sa mga lugar kung saan nanggaling ang mga ito.
Nabatid na apat na inilagay sa bayan ng Polomolok, isa sa Tupi, tatlo sa Koronadal City, tig-dalawa sa Norala at Banga, at tig-isa sa Tantangan, Surallah, Sto Nino, at Tupi.