-- Advertisements --

Inilunsad ng Philippine Post Office ang kanilang aktibidad upang ipagdiwang ang National Women’s Month.

Ibinahagi ni Philippine Commission On Women Deputy Executive Director Maria Kristine Josefina Balmes kung paano pinarangalan at immortalize ng Post Office ang mga kababaihang Pilipino sa pamamagitan ng paggawa ng mga selyo.

Kabilang sa mga itinampok na mga babaeng personalidad sa selyo ay sina Hidilyn Diaz, Yuka Saso, Lea Salonga, Monique Lhuillier, Josie Natori, Olivia “Bong” Coo, Gloria Romero, Rosa Rosal, Nora Aunor, Vilma Santos, at Susan Roces.

Nagbigay pugay din ang Post Office sa mga babaeng empleyado nito, lalo na sa mga babaeng letter carriers.

Sinabi ni Postmaster General Norman Fulgencio, na ang mga ito ay hindi lamang inalagaan ng mabuti ang kanilang pamilya kundi pinalaki pa nila ang postal business at itinaas ang standards ng public service sa bansa.

Samantala, bukod dito ay mayroon pang ibang aktibidad para sa Women’s Month tulad ng Stamps Design Contest, isang Lecture on Sexual Harassment and Safe Spaces Act, Health Services Engagement, Gender and Development (GAD) Day Care Reunion at pagpupugay sa mga “Solo Parent” Employees.