Inaaral na ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas ang pagbili ng mas maraming mga barko para magamit sa pagpapatrolya sa mga karagatan ng lalo na sa West Phil Sea.
Dahil dito, puspusan ang pag-aayos at pagpapalawak sa mga daungan, military base at military port sa bansa.
Ayon kay AFP chief Gen. Romeo Brawner Jr., mahirap bumili ng mga barko kung wala namang mga akmang daungan kung saan ilalagay ang mga ito.
Kailangan aniyang ma-develop ang mga military o naval base ng AFP dahil ang mga ito ang nagsisilbing pangunahing support system sa mga bibilhing barko ng bansa.
Ayon sa AFP chief, maaaring magamit ang mga naturang barko para mapatrolyahan ang mga maritime feature ng bansa sa WPS at mapanatili ang presensiya ng Pilipinas sa mga ito.
Ilan sa mga malalaki at advanced ships ng bansa ay ang BRP Jose Rizal na naideliver noong May 2020 at BRP Antonio Luna na naideliver noong March 21, 2021.
Sa ilalim ng AFP modernization program, plano ng Pilipinas na makabili ng mga advanced ship para sa Philippine Navy and mas maraming multi-role fighter jets para sa Philippine Air Force.