Posibleng dumami pa ang bilang ng mga itatalagang bike lanes matapos na magkaroon ng dagdag pondo ang programang Active Transport and Safe Pathways .
Ayon kay House Committee on Metro Manila Development Vice-Chair Marvin Rillo, positibo ito na maisasakatuparan ang mas maraming bike lanes project ng pamahalaan.
Batay sa datos, aabot na sa 564 na kilometro ng bicycle lanes sa Metro Manila, Metro Cebu, at Metro Davao ang matagumpay na nailatag sa ilalim ng naturang programa.
Plano namang ipatupad ng DOTr ang aabot sa 2,400 kilometro ng bike lanes hanggang 2028.
Ayon kay Rillo, malaking tulong ang pagkakaroon nila ng dobleng pondo mula sa orihinal na P500 million proposal ay ginawa itong P1 billion.
Maglalagay rin ang kanilang ahensya ng mga separators sa mga bike lanes na dekalidad upang masiguro ang kaligtasan ng mga siklista na gagamit nito.
Isusulong rin nila ang pagbibisikleta bilang alternatibong transportasyon sa bansa.
Malaking tulong rin ito sa mga mga mabawasan ang masamang epekto ng motor vehicle emissions sa kalikasan.
Ayon naman sa ilang mga nagbibisikleta, bukod sa nakakapag exercise sila ay malaking tipid rin sa pamasahe ang pagbibisekleta .
Bukod dito ay nakakaiwas na rin sila sa napakahabang traffic tuwing pumupunta sila sa kani-kanilang trabaho.
Nanawagan rin ito sa pamahalaan na gumawa pa ng konkretong hakbang o batas bilang proteksyon sa kanilang mga nagbibisikleta.