Iniulat ng Philippine National Police(PNP) ang lalo pang pagdami ng hawak na ebidensya kaugnay sa nagpapatuloy na imbestigasyon sa pagkakapatay sa magkasintahang sina Geneva Lopez at Yitshak Cohen.
Ang mga naturang ebidensiya aniya ay una nang nalikom ng special investigation task group (SITG) at magiging bahagi ng criminal case na ihahain laban sa mga suspek.
Hindi na rin idinetalye ng opisyal ang iba pang impormasyon ukol dito, ngunit tiniyak na makakadagdag ito sa bigat ng ihahaing kaso.
Maaari aniyang sa susunod na linggo ay ihahain na ang kaso laban sa mga suspek, habang pinagtitibay pa ang mga kaso na tiyak na magreresulta sa conviction ng mga suspek.
Sa kasalukuyan, pitong indibidwal ang iniuugnay sa pagpatay sa beuty queen ng Pampanga at sa kanyang Israeli na kasintahan. Kinabibilangan ito ng dalawang dating pulis na sina Michael Guiang and Rommel Abuso.