Target ng Department of Agriculture na mapataas pa ang export market ng mga high value commercial crops sa susunod na taon.
Ayon kay Agriculture Undersecretary Cheryl Natividad-Caballero, nais ng DA na ma-maximize ang kasalukuyang trade agreement ng bansa kasama ang iba pang mga bansa.
Aniya, maaaring magamit ang mga kasalukuyang trade deals sa ibang mga bansa katulad ng Vietnam, South Korea, Australia, Japan, CHina, New Zealand, at iba pa.
Ang mga naturang bansa aniya ay may sakasalukuyang trade deals sa Pilipinas para sa mga agricultural commodities.
Giit ng opisyal, malaki ang potensyal ng Pilipinas na makapag-produce ng mataas na colume ng mga kalidad na high value crops na maaaring ibenta sa ibang mga bansa.
Bilang tulong ng DA, tutugon aniya ang ahenisya sa iba pang pangangailangan ng mga high value crops farmers, katulad ng pagbibigay ng akmang teknolohiya, makinarya, at mga postharvest facilities, na makakasuporta sa paglinang ng naturang industriya.
Sa kasalukuyan, kabilang sa mga produktong agrikultural na ibinebenta ng Pilipinas sa ibang mga bansa ay ang niyog o kopra, saging, pinya, mangga, at durian.
Ayon kay Caballero, maaaring mapataas ang produksyon ng mga ito o kung hindi man ay madagdagan ng iba pang mga commodities.