-- Advertisements --

Positibo ang Philippine Air Force na makapagsagawa ito ng mas maraming high-level interactions kasama ang US Pacific Air Force (PACAF).

Ito ay kasunod ng naunang pagbisita ni PACAF commander Gen. Kevin Schneider sa Villamor Air Base, sa Pasay City at pakikipagpulong kay PAF commander, Arthur Cordura.

Ayon kay Phil. Air Force spokesperson Col. Ma. Consuelo Castillo, nais palawakin ng dalawa ang kooperasyon sa humanitarian assistance and disaster relief operations, pagpapalakas sa defense capabilities ng Pilipinas, at promosyon sa regional security sa Asia-Pacific region.

Sa mga nakalipas na taon hanggang sa kasalukuyan ay may mga joint exercise at training programs nang isinasagawa ang dalawang air force na naka-pokus sa information sharing, airman-to-airman talks, at routine maritime cooperative activities.

Ang mga ito ay bahagi rin ng pinag-usapan ng nina Gen. Schneider at Gen. Cordura, kasama ang posibleng pagpapalawak pa rito.

Samantala, maliban sa pagbisita sa Villamor Air Base, binisita rin ni Schneider PAF Air Bases at EDCA project site sa Pampanga, Palawan, Cebu, at Lumbia Airport sa Cagayan de Oro.