-- Advertisements --
Naniniwala si Defense Secretary Delfin Lorenzana na mas maraming lugar ang ilalagay sa modified general community quarantine (MGCQ) pagsapit sa Hulyo 16.
Hindi naman nabanggit ni Lorenzana kung anong mga lugar ang luluwagan pa patungo sa MGCQ.
Sa tingin daw niya ay 80 percent ay gagradwet na tungo sa MGCQ ang Metro Manila.
Una nang inihirit ng DTI na ilagay na rin sa MGCQ ang NCR at CALABARZON region dahil karamihan ng malalaking negosyo o economic hub ay nakasentro rito.
Pero agad namang nilinaw ni Lorenzana na dedepende pa rin ang desisyon ng IATF sa rekomendasyon ng DOH.