-- Advertisements --

Lumabas sa isang pag-aaral na sa taong 2050 ay isa sa kada limang bahay sa Japan ay mag-isang tinitirhan ng matanda. 

Ayon sa projection ng National Institute of Population and Social Security Research, sa taong 2050 ay 10.8 milyong matatanda na ang maninirahan nang mag-isa sa kanilang mga tahanan. 

Sa huling tala noong 2020, 7.37 milyong matatanda na ang naninirahan nang mag-isa. 

Nahaharap ngayon ang Japan sa population crisis dahil mas pinipili ng mga Hapones na hindi magpakasal o ‘di kaya’y hindi magkaanak. 

Ang bansang Japan ay isa sa mga bansang may lowest birth-rates sa buong mundo.