-- Advertisements --

Target ng International Olympic Committee Executive Board na makapaglaan ng mas maraming medalya sa 2028 Los Angeles Olympics.

Batay sa bagong plano ng komite, lahat ng team sports sa susunod na Olympics ay magkakaroon na ng parehong bilang ng mga lalake at mga babae. Magdadagdag din ang komite ng ibang event na maaaring salihan ng mga bago at batikang atleta.

Kabuuang 351 medal events ang tinatarget ng komite sa susunod na Olympics. Ito ay mas marami ng 22 medal events, kumpara sa nakalipas na Paris Olympics na isinagawa nitong 2024.

Aabot naman sa 10,500 ang inisyal na athlete qouta. Ito ay binubuo ng 5,333 babae at 5,167 lalake.

Gayunpaman, isinasapinal na ang pagbabalik ng komite tulad ng baseball/softball, cricket, flag football, lacrosse at squash, na mangangailangan ng karagdaagang 698 atleta.

Kung susumahin, maaaring papalo sa 11,198 ang kabuuang bilang ng mga atleta. Kung mangyayari ito, ang LA Olympics na ang ikatlong pinakamalaking Olympic games kasunod ng Tokyo 2020 (11,476) at Rio 2016 (11,238).

Mula sa 351 event, 161 dito ay pawang women’s events habang 165 ay para sa mga kalalakihan. Ang nalalabing 25 ay magiging mixed-team events.

Nakatakda ang Los Angeles Olympics mula July 14 2028 hanggang July 30, 2028.