Dumarami na umano ang bilang ng mga marinong Pinoy na tumatangging maglayag sa Red Sea at Gulf of Aden, ayon sa Department of Migrant Workers (DMW).
Ayon kay DMW Sec Hans Leo Cacdac, umabt sa 78 na marinong Pilipino ang nagpahayag ng pagkabalang dumaan sa sa mga lugar na dumaranas ng kaguluhan katulad ng Red Sea.
Ito ay lumabas matapos aniyang tanungin ang mga Filipino seafarer at nagpahayag ang mga ito na gagamitin nila ang kanilang karapatan na hindi maglayag sa mga delikadong lugar.
Ang naturang bilang ay mahigit pa sa triple ng dating 25 lamang na marinong nagpahayag ng pagkabahala noong March 2024.
Gayonpaman, magsasagawa pa aniya ang DMW ng panibagong konsultasyon at mga diyalogo kasama ang ibat-ibang grupo ng mga marinong Pilipino upang malaman pa ang kanilang saloobin ukol dito.
Una nang sinabi ni Cacdac na pinag-aaralan ng DMW ang posibilidad na paghihigput sa mga Pilipino mula sa pagsakay sa mga barkong may ruta o napapadaan sa Gulf of Aden at Red Sea.
Ang mga naturang pagbabago ay kasunod na rin ng naunang nangyari na pagpapasabog sa MV Tutor kung saan nakasakay ang 21 na tripulanteng mga Pilipino. Itinuturong gawa ito ng mga rebeldeng Houthi na namamalagi sa lugar.
Mula sa 21 na ito, isa sa kanila ang napaulat na namatay habang tuluyan na ring nakabalik sa Pilipinas ang 20, matapos silang iligtas noon ng US Navy kasunod ng pagkakabihag.