Nais ng South Korea na makapagsagawa pa ito ng mas maraming mga naval drill kasama ang Pilipinas.
Ayon kay Republic of Korea Navy(ROKN) Chief ng Naval Operations Admiral Lee Jong Ho, nais nilang mapalalim pa ang ugnayan at strategic partnership ng Korea at Pilipinas.
Kasama dito ang mas malawak pang maritime drills sa karagatan ng dalawang bansa.
Maalalang isa ang South Korea sa mga bansang tumutulong para sa modernisasyon ng Phil Navy. Kabilang dito ay ang pagbibigay ng ilang mga naval and sea assets sa Pilipinas.
Maliban dito, ang South Korea rin ang pinanggalingan ng maraming mga sea assets ng Pilipinas, kabilang na ang BRP Jose Rizal at BRP Antonio Luna.
Samantala, ang Pilipinas at South Korea ay unang pumirma sa isang Term of Refernce noong 2019. Sa ilalim nito ay ang pagsasagawa ng mga Navy-to-Navy talks sa kada-dalawang taon.
Ang pinakahuling Navy-to-Navy talks sa pagitan ng dalawa ay ginanap noong Disyembre ng 2022.