Tinitingnan ng Estados Unidos ang mas malaking oportunidad para makapag-esport pa sa Pilipinas ng mas maraming processed vegetable.
Ito ay matapos lumabas sa datus ng United States Department of Agriculture (USDA) na nakuha na ng US ang 20% share sa kabuuang processed vegetable importation ng bansa.
Lumalabas kasi na nakapag-import ang Pilipinas ng 512,000 metriko tonelada ng naturang produkto noong 2022. Ito ay may kabuuang halaga na $460 million, at mas malaki ng 35% kumpara noong 2021.
Mula sa naturang volume, 20% dito ay hawak ng US.
Sa kasalukuyan, hawak ng China ang pinakamalaking share na mayroong 28% habang sumusunod ang ASEAN ma mayroong 22%.
Ayon sa USDA, malapit nang maabutan ng US ang ASEAN, kung magtutuloy-tuloy ang pag-import ng Pilipinas mula sa naturang bansa at pagtangkilik nito sa mga produkto.
Kabilang sa mga processed vegetables na inangkat ng Pilipinas mula sa US ay ang frozen potatoes, potato chips, prepared tomatoes, sweet corn, atbp.