Nadagdagan pa ang bilang ng mga bansang nagpakita ng suporta sa Pilipinas, kasunod ng malagim na Mindanao State University Bombing kahapon, Dec3, 2023.
Maliban sa mga bansang US, UK, at France na agad nagpadala ng kanilang pakikidalamhati sa Pilipinas, nagpahayag na rin ng kanyang pakikidalamhati si Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian.
Kinondena rin ng Chinese Ambassador ang ginawang pagpapasabog at sinabing walang puwang sa mundo ang mga karahasan laban sa mga sibilyan at inosente.
Maging si Australian Ambassador to Manila Hae Kyong Yu ay naglabas din ng solidarity message.
Ayon kay Yu, magpapatuloy na maninindigan ang Australlia kasama ang Pilipinas, at tutulong sa pagnanais ng huli na mapanagot ang mga responsable sa nangyaring pagpasabog.
Kahapon nang nangyari ang pambobomba sa loob ng gymnasium ng Mindanao State University. Batay sa inisyal na datus, umabot sa apat na katao ang namatay habang mahigit 50 ang nasugatan.
Agad namang itinaas ang alerto sa naturang rehiyon, at ipinatupad ang mga mga akmang security measures. Maliban sa Mindanao, itinaas na rin sa heightened alert ang estado sa Metro Manila bilang inisyal na hakbang upang maiwasan ang posibilidad ng spill over ng nangyaring krimen.