Tumaas ang bilang ng ‘obesity’ lalong lalo na sa mga bata dahil sa Covid-19 pandemic.
Base ito sa bagong survey na ginawa ng pamahalaan.
Nakasaad sa 2021 Expanded National Nutrition Survey (ENNS) ng Department of Science and Technology-Food and Nutrition Research Institute (DOST-FNRI), lumalabas na ang obesity rate sa mga bata na nag-edad o hanggang 5 ay nasa 3.9 percent habang ang 5 hanggang 10 ay nakapagtala ng 14 percent.
Ang parehong trend ay nakita rin sa mga matatandang tao, na may isa sa bawat 10 kabataan at apat sa 10 matatanda ay sobra sa timbang o napakataba.
Sinabi pa ng survey na 10 porsiyento ng mga nasa hustong gulang na 20 hanggang 59 ay napakataba.
Sa mga matatandang may edad na 60 pataas, 6.2 porsiyento ay napakataba at 11.8 ay may talamak na kakulangan sa enerhiya.
Sa isa pang aspeto, sinabi ng survey na isa sa bawat apat na batang Pilipino na wala pang 5 taong gulang ang nakakaranas ng pagkabansot sa paglaki o stunted growth.
Ginawa ang survey sa 141,189 na Pilipino sa pagitan ng Hulyo 2021 at Hunyo 2022 sa 37 lalawigan at lungsod sa bansa.
Pagsisikap ito ng pamahalaan na sukatin ang mga kondisyon ng kalusugan at seguridad sa pagkain ng mga Pilipino sa kasagsagan ng pandemya.
Ang data ay maaaring magamit sa kalaunan upang gumawa ng mga patakaran at programa tungo sa ganap na paggaling mula sa pandemya.