-- Advertisements --
image 312

Majority ng mga Pilipino ang mas pinipiling pumasok sa pagnenegsoyo.

Ito ang lumalabas na resulta ng survey na isinagawa ng OCTA Research mula Marso 24 – 28, 2023, mula sa 1,200 respondets.

Batay sa resulta ng survey, 78% ng mag respondets ang nagsabing mas pipiliin nilang pumasok sa pagnenegosyo kaysa magtrabaho dahil sa ilang kadahilanan.

Kinabibilangan ito ng mga sumusunod: 31% ang nagsabi na hawak nila ang kanilang schedule o oras, 30% ang nagsabi na wala silang boss o employer, at 16% ang nagsabi na mas mataas ang sahod o kikitain.

Maliban dito, 12% din sa lahat ng respondents ang nagsabi na may araw-araw silang income o pera sa pagnenegosyo, habang 11% ang nagsabi na maaari silang kumita nang hindi pumapasok o habang nasa bahay lamang.

95% sa mga respondents ang naniniwalang mahalaga ang mentorship sa pagnenegosyo, lalo na sa mga baguhan.

Gumamit ang nasabing survey ng face-to-face interviews at may margin of error na plus minus 3.