Kampante ang Department of Energy (DOE) na mas marami pang mga investors ang papasok sa bansa matapos tawagin ng BloombergNEF Climate 2023 ang Pilipinas bilang pang-apat na most attractive emerging market para sa pamumuhunan sa ilalim ng power sector.
Ayon kay DOE assistant secretary Mylene Capongcol, umangat ang pwesto ng Pilipinas ng anim na spot at naabot ang ikaapat na pwesto.
Nakahanay na nito ang India bilang No3, China bilang No.2, at ang bansa Chile na nanguna sa listahan.
Ayon kay Asec Capungol, bahagi ito ng progresong nagawa ng pamahalaan sa nakalipas na dalawang taon, lalo na sa transisyon na ginagawa ng Pilipinas sa larangan ng renewable energy.
Lumalabas sa naturang report na ang Pilipinas ay isa sa iilang mga bansa sa buong mundo na nakagawa ng malaking progreso sa ilalim ng power sector, kasama na dito ang mga auctions, magandang tax policy, at tax incentives para sa mga investors.