Nangako ang mga Japanese shipowners ng Veritas Maritime Corporation na patuloy silang magbibigay ng mas maraming trabaho para sa Pinoy seafarers bilang pagkilala sa kanilang mahalagang papel sa international shipping industry.
Kasabay ng pagdiriwang ng ika-35 anibersaryo ng Veritas manning agency sa Manila Hotel, sinabi ng “K” Line Roro Bulk Ship Management Co. na mahalaga ang mga Pilipino sa Japanese ship owners.
Sa kasalukuyan, pinamamahalaan ng naturang shipping company ang mahigit 130 sasakyang pandagat at mahigit 6,000 marino kasama ang grupo ng mga kompanya dito sa Pilipinas, Germany, Bulgaria, at sa Ukraine.
Sa parte naman ni Veritas chairperson Ericson Marquez, nangako siyang ipagpapatuloy nila ang isang tapat at taos-pusong pakikipagtulungan sa kanilang mga principal, crew at kawani na nagpatibay sa kompanya sa loob ng 35 taon.