Naibalik na ang supply ng kuryente sa mga transmission lines na unang naitalang nasira dahil sa naging epekto ng Supertyphoon Egay sa Luzon.
Ayon sa national Grid Corporation of the Philippines, simula kahapon ay nagawa ng mga linemen na maibalik ang normal na daloy ng kuryente sa mga sumusunod:
1. La Trinidad-Ampucao 69kV Line sa Probinsya ng benguet
2. Cabanatuan-San Luis 69kV Line sa probinsya ng Nueva Ecija at Aurora.
3. Bantay-Sto. Domingo 69kV Line at San Esteban-Candon 69kV Line sa Ilocos Sur.
4. Tuguegarao-Magapit 69kV Line sa cagayan.
Sa kasalukuyan, dalawa na lamang mula sa naunang naitalang naapektuhan na linya ng kuryente ang hindi pa naibabalik: San Esteban-Bangued 69kV Line sa Abra, at Itogon-Ampucao 23kV Line sa sa Benguet.
Sa kasalukuyan ay patuloy din umanong pinapamadali sa mga linemen ang pagbabalik sa normal na daloy ng kuryemte sa mga hindi pa naibabalik na linya.