-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Tiniyak ni ACT-CIS Party-list Representative at Benguet Caretaker Eric Go Yap na mabibigyan ng karagdagang health benefits at iba pang development projects ang lahat ng bayan ng Benguet ngayon at sa susunod na taon.

Inihayag ng kongresista ang kahandaan nitong tumulong sa mga taga Benguet sa pamamagitan ng paghingi nito ng pondo na nasyonal na pamahalaan at sa iba pang ahensya ng gobyerno.

Nais ng kongresista na mabigyan ng medikal na serbisyo ang lahat ng mga mamamayan sa Benguet.

Binanggit pa ng mambabatas na marami siyang plano para sa ikakaunlad ng lalawigan.

Kamakailan lamang, nagbigay si Yap ng mga drones sa 13 himpilan ng pulisya sa Benguet bilang pagsuporta sa pagpapabuti ng serbisyo ng Philippine National Police.