-- Advertisements --

Target ngayon ng Department of Tourism (DOT) na makapang-engganyo ng mas maraming turistang Indian national na bibisita sa bansa.

Sa idinaos na 12th ASEAN-India Tourism Ministers Meeting, inihayag ni DOT Secretary Christina Frasco na halos 80,000 Indian visitors ang tinanggap ng PH noong 2024.

Ito ay mahigit 12% na pagtaas kumpara noong nakalipas na taon.

Bagamat mas maliit ito kumpara sa mga karatig na bansa sa ASEAN, nagpapakita aniya ito ng significant growth. Nakikitaan din ng malaking potensiyal ang outbound tourism market ng India at nangakong gagawing top destination ng mga turistang Indian national ang PH.

Sinabi din ng kalihim na tatangkilikin ng mga Indian traveller ang world-class at award-winning beach, dive site, at wedding destinations ng bansa, tulad ng Cebu, na ginawaran bilang Asia’s Leading Wedding Destination ng World Travel Awards.
.