May kakulangan pa rin daw sa vaccinators at encoders sa mga local government units (LGUs) sa isasagawang tatlong araw na vaccination drive mula Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1.
Ayon kay LPP President at Marinduque Governor Presbitero Velasco Jr., sa ngayon mas marami pa ring vaccinators at encoders para sa tatlong araw na National Vaccination Day “Bayanihan, Bakunahan.”
Dahil dito ay humingi na ra ang LPP sa Department of Health (DoH) at private sectors na magbigay ng mas maraming volunteers para sa malawakang bakunahan.
Target kasi ng pamahalaan na maibakuna ang limang milyong bakuna kada araw o kabuuang 15 million jabs sa loob ng tatlong araw.
Sa ngayon, nagse-set upa na raw ang mga local government units (LGUs) ng mas maraming vaccination teams para sa vaccination drive.
Tuloy-tuloy din umano ang pakikipag-ugnayan ng mga LGUs sa national government para malaman ang kanilang pangangailangan sa kampanya gaya ng vaccine supply at ultra low storage facilities.
Magpapatupad din umano ang mga LGUs ng ibang stratehiya para makumbinsi ang kanilang mga constituents na magpabakuna kagaya ng pagbibigay ng pagkain at vehicle service sa mga vaccination sites.