Muling binuhay sa Senado ang panukalang maglalaan ng regular na sahod at mas malaking benepisyo para sa mga barangay officials.
Ayon kay Sen. Sonny Angara, ang mga opisyal ng barangay ang itinuturing na first responders sa panahon ng mga problema sa komunidad.
“Every time there’s a problem, the barangay is the first responder of people who need help. They first respond to crisis but they are lagging behind in terms of benefits,” wika ni Angara.
Batay sa Senate Bill 136 ni Angara, magkakaroon na ng fixed salaries, allowances, insurance, medical at dental coverage, retirement at iba pang benepisyo ang naninilbihan sa nasabing tungkulin.
Sa naturang panukala rin ay magkakaroon na ang barangay captain ng sahod na katulad sa miyembro ng sanggunuang bayan (SB) o lungsod na kanilang kinabibilangan.
Ang barangay board members naman ay magkakaroon na ng katumbas ng 80 porsyento ng sahod ng SB members.
Habang ang Sangguniang Kabataan (SK) chairman ay mabibigyan ng katumbas na 75 porsyento ng sahod ng SB members.