Sinabi ng opisyal ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na ang mataas na multa ang makapipigil sa mga motorista na lumabag sa mga batas-trapiko.
Ayon kay Victor Maria Nuñez, director III sa enforcement ng MMDA’s Traffic Discipline Office, maaaring oras na para taasan ang penalties sa mga lalabag sa batas-trapiko.
Binanggit ni Nuñez ang pagtaas ng multa laban sa mga motorista na ilegal na gumagamit ng EDSA Bus Carousel lane.
Kakaunti lamang ang nahuli ng ahensya buhat ng itaas multa sa P5,000 – P30,000 at posibleng pagkansela ng kanilang driver’s license depende.
Ang pagtaas ng multa ay inaprubahan ng Metro Manila Council noong nakaraang taon.
Ipinunto niya na ang pagtaaas ng parusa ay isang mabisang hakbang para mapigilan ang mas maraming lumalabag sa trapiko, gaya ng ipinatutupad sa ibang mga bansa.