Tiniyak ni Senator Sonny Angara na garantiyang mapopondohan ang mas mataas na social pension para sa mga mahihirap na senior citizen sa ilalim ng P5.268 trillion General Appropritions Act (GAA) para ngayong taon.
Siniguro din ng Senador na nasa 4.1 million indigent seniors ang nakatakdang makatanggap ng P12,000 social pension kada isa ngayong taon kasabay ng full implementation ng Republic Act 11916 para sa kanilang arawang pangkabuhayan at pangangailangang medikal.
Nasa kabuuang P50 billion ang inilaan para sa social pension ng senior citizens sa ilalim ng General Appropritions Act. Sakop din sa naturang halaga ang 100% na pagtaas sa buwanang pension mula P500 hanggang P1000.
Liban pa dito, nakasaad din sa batas ang pagbibigay ng 5% na diskwento sa prime commodities at basic necessities at exemption mula sa value added tax (VAT) sa ibinibentang goods at services.