-- Advertisements --

Nakatakdang ibenta na rin sa supermarkets at convenience stores ang mas murang bigas sa Kadiwa centers.

Ayon sa Department of Agriculture, nakikipag-partner ito sa retail stores para maibenta ang Kadiwa rice sa kanilang outlets sa buong bansa.

Sinabi naman ni DA spokerperson ASec. Arnel de Mesa na pareho pa rin ang magiging presyo.

“Magiging available ay ‘yung P29, ‘yung rice for all na 5 percent broken, RFA 25 percent broken, and ‘yung Sulit Rice. So ito yung mga klase ng bigas na i-offer sa mga supermarkets and convenience stores,” saad ni ASec. De Mesa.

Base sa monitoring ng DA, ang presyo ng bigas sa supermarkets ay mas mataas kumpara sa mga palengke kung saan pinakamura ng mabibili ay nasa presyong P75 kada kilo.