-- Advertisements --
Tiniyak ni Health Sec. Francisco Duque III na hindi maaapektuhan ang kalidad ng mga gamot na isasama sa executive order para magkaroon ng generic version sa mga botika.
Ayon kay Duque, sakop sa 120 medicines na magkakaroon ng murang klase ang para sa hypertension, diabetes, cardiovascular disease, chronic lung diseases, neonatal diseases at major cancers.
Giit ni Duque, dadaan pa rin sa mga pagsusuri ang murang gamot upang matiyak na hindi ito bababa sa quality standard ng Food and Drug Administration (FDA).
Sa ngayon halos kompleto na umano ang draft ng EO at ibibigay ito kay Pangulong Rodrigo Duterte kapag nakabalik na mula sa byahe nito sa bansang Russia.