Namataan sa Pacific Ocean ang mas pinalakas umano na missile weapon na idinagdag ng isang US navy warship.
Base sa pagsisiyasat ng ilang analyst, posibleng makatulong ito upang palakasin pa ang presensya ng Amerika sa ilang contested areas tulad na lamang ng South China Sea.
Bitbit ng US Gabrielle Giffords ang bagong Naval Strike Missile at MQ-8B Fire Scout helicopter drone na tutulong upang maging sakto ang pagtutok nito sa target.
Ayon sa Raytheon, main contractor ng nasabing armas, ang Naval Strike Missile ay isang sea-skimming cruise missile na mahirap ma-detect sa radar at kayang iwasan ang depensa ng mga kalaban.
Parehong nagsisisihan ang US at China dahil sa mabilis na militarization sa South China Sea. Ilang bansa rin ang nag-aagawan sa kanilang parte sa naturang commerce heavy region.