-- Advertisements --

Pabor na pabor ang mga manufacturers at distributor ng e-e-cigarette at vape sa bansa ay pabor sa pagsisikap ng Department of Finance (DOF) na patatagin ang kahusayan sa pagkolekta ng buwis at habulin ang mga tax evader, kabilang ang mga sangkot sa sektor ng vapor products.

Sa isang pahayag, sinabi ni Joey Dulay, presidente ng Philippine E-cigarette Industry Association (PECIA) na ang grupoay ganap na nakatuon sa pagsunod sa mga regulasyon ng gobyerno.

Sa partikular, sinabi ni Dulay na ang mga miyembro ng kanilang grupo ay sumusunod sa Republic Act (RA) No. 11900, na kilala rin bilang Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products Regulation Act, at RA 11467, na nagpapataas ng sin tax rates taun-taon mula noong 2020.

Gayunpaman, ang isang patuloy na pagsisiyasat ng House Committee on Ways and Means ay nagsiwalat na ang isang sikat na brand ng vape ay hindi lamang agresibong nagpo-promote ng mga vaping device sa mga menor de edad sa pamamagitan ng social media.

Ang mga ito ay umiiwas din sa mga kinakailangang pagbabayad ng buwis sa gobyerno.

Kung matatandaan, napag-alaman ng mga awtoridad na matapos ang laboratory test na isang brand ng vaping ang diumano’y nag-underdeclare ng mga import nito mula sa China sa pamamagitan ng paglalagay sa kanila bilang may freebase nicotine, sa halip na nicotine salt.

Ang umiiral na excise tax kasi sa freebase nicotine ay mas mababa kaysa sa singil sa nicotine salt na makikita sa mga vape.