-- Advertisements --

KALIBO, Aklan — Pinasinayaan ng Department of Transportation (DOTr) at Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang mas pinalaking Passenger Terminal Building (PTB) ng kalibo International Airport.

Ayon kay DOTr Secretary Arthur Tugade, importante ang pagkakakumpleto ng proyekto para sa isa sa pinaka-abalang paliparan sa bansa bilang gateway papuntang isla ng Boracay, isa sa pinaka-dinadayong tourist destination sa buong mundo.

Kasabay ng isinagawang seremonya, araw ng Biyernes, Hunyo 4 ay hudyat din ito ng pagsisimula ng operasyon ng bagong terminal building.

Pinangunahan ni Secretary Tugade ang seremonya, kasama ang iba pang opisyal ng gobyerno.

Isinagawa aniya ang bagong PTB upang madagdagan ang passenger capacity ng paliparan at para makapaghatid ng mas komportableng air travel.

Malaking tulong umano ito sa lalo pang pag-unlad ng Aklan at buong Western Visayas.

Sa tulong ng bagong PTB, kaya nang makapag-accommodate ng KIA ng mas maraming pang pasahero lalo na kapag peak hours.