-- Advertisements --
ISABELA CESSNA PLANE

Gumagawa ngayon ng paraan ang mga otoridad para makita na ang nawawalang Cessna plane sa Isabela.

Ayon kay Civil Aviation Authority of the Philippines spokesperson Eric Apolonio, target ng search and rescue team na marating ang area of interest sa bulubunduking bayan ng Divilacan, kung saan nakita ng magsasaka at barangay official ang white debris na posibleng nawawalang eroplano.

Base sa ulat ng Aerial search team parehas pa rin ang lagay ng panahon.

Mababa ang ulap papunta sa maconacon at nakadikit ang ulap sa bundok.

Nauna nang itinigil ang aerial search dahil sa masamang lagay ng panahon at limitadong oras ng paglipad ng helicopter.

Gayunman patuloy ang isinasagawang ground search ng PDRRMO, Philippine Army, Philippine Air Force at lokal na pamahalaan.