ILOILO CITY – Naging matagumpay ang isinagawang Dugong Bombo sa Iloilo sa kabila ng hindi magandang panahon dulot ng Bagyo Vicky.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Jhun Defensor, Chairman ng Iloilo Provincial Executive Council-Upsilon Phi Sigma, sinabi nito na 42 ang naging successful blood donors sa bloodletting activity na pinangunahan ng kanilang grupo sa West Visayas State University -Pototan Campus sa Pototan, Iloilo.
Ayon kay Defensor, nagmula pa sa Northern Iloilo, Mina, Passi, San Joaquin, at Pavia sa lalawigan ng Iloilo ang mga blood donors.
Kasama ng Dugong Bombo ang local government unit ng Pototan, Barangay Council ng Barangay Cau-ayan at ang Western Visayas Medical Center blood bank.
Ang susunod na Dugong Bombo ay isasagawa sa Passi City, Iloilo sa Disyembre 23.