-- Advertisements --
taal Volcano Island horses

BACOLOD CITY – Aminado ang Philippine National Police Maritime Group na nakadudurog sa puso ang makita ang kalagayan ng mga hayop sa Taal Volcano Island kasunod ng pag-alburuto ng bulkang Taal.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Bacolod kay Patrolman Jonathan Sumagang, inamin nitong nais nilang i-rescue ang lahat ng mga hayop na naiwan ng kanilang may-ari na nag-evacuate nitong Linggo ngunit hindi makakaya ng mga bangka.

Dahil walang damo na makakain ang mga kabayo at baka ayon kay Sumagang, nanghihina na ang mga ito.

Nabatid na nitong Huwebes, 36 na kabayo at pitong baka ang nailigtas ng PNP Maritime Group at naitawid sa kabilang isla.

Sa ngayon aniya, masangsang na ang amoy sa Taal Volcano Island dahil marami na ang namatay na mga hayop.

Ang ibang kabayo ayon sa pulis ay namatay sa gilid ng lawa dahil hindi na nakaahon sa malambot na lupa nang uminom ang mga ito.

Maliban sa mga aso at kabayo, namatay na rin aniya ang mga isda sa Bombon Lake o Taal Lake.

horses rescue Taal