BUTUAN CITY- Labis na naapektuhan ang kita ng ilang mga nagtitinda o cottages owners sa loob ng Masao Beach matapos ang mga paghihigpit sa pagpasok ng 15-taong-gulang pababa at 65 taong gulang pataas sa naturang lugar upang maiwasan na mahawaan ng virus.
Bagamat, kahapon sa Sabado de Gloria, makikita na walang halos tao ang naturang beach matapos na pinahihigpitan pa ang ilang mga implementasyon dahil na rin sa pagdiriwang ng Holy Week sapagkat kung hindi ito higpitan marahil maraming tao ang pupunta sa lugar.
Bilang karagdagan sa pagbabawal sa pagpasok sa nilimitahang edad, ipinagbabawal din ang pagligo at pag-standby sa lugar na walang cottages, ipinagbabawal ang pag-inom at pagkain sa tabi ng beach lalo na ang paninigarilyo, pati na rin ang mahigpit na pagsunod sa 50% na kapasidad ng bawat cottages upang masusunod din ang social distancing, ngunit parating isuot ang facemask upang hindi pagmumultahin ng P1,000 para sa hindi pagsunod sa naturang pagpapatupad ng naturang batas sa Masao Beach.