General Santos City- Mahigpit na seguridad ang ipinatupad ngayon sa General Santos City kasabay ng closing ceremony sa Kalilangan 2023 nitong araw.
Ayon kay Al Nezzar- Ali artistic director ng Kalilangan 2023 na itoy dahil magiging guest speaker si Vice Pres. Sara Duterte-Carpio na isang malaking karangalan para sa lungsod.
Bahagi ng closing ceremony ang Kadsagayan Street Dance Competition na gagawin mamayang gabi.
Kaninang umaga ay isinagawa ang Kapehan sa Kalilangan, Parada ng Lahi o Kadena de Amor kung saan nandoon ang mga Pioneers and Descendants of General Santos.
Sa Parada ng Lahi ay nasaksihan ang mga makukulay na mga kasuotan pati ang ibat-ibang katutubong mga instrumento.
Dagsa ngayon sa lungsod ang mga dayuhan at turista.
Sa closing ceremony mamayang gabi, aasahan ang masayang pagdiriwang ng mga residente kung saan tampok ang ibat-ibang presentasyon ng mga mananayaw at mang-aawit.
Ang Kalilangan 2023 ay kasabay ng 84th founding anniversary ng lungsod na binigyan ng diin ang pagdating ng grupo ni Gen. Paulino Santos.