Sa halip na masayang street party, napalitan ang selebrasyon ng Bagong Taon sa Serbia ng malawakang protesta ng libu-libong katao sa bisperas ng New year, Disyembre 31.
Pinangunahan ng mga university student ang demonstrasyon na magdamag na nagtipun-tipon sa Belgrade at iba pang mga siyudad ng Serbia para ipanawagan ang political reforms at hustisiya sa naturang Balkan country.
Nag-ugat kasi ang mga protesta sa isang trahediya kung saan gumuho ang isang konkretong canopy sa central train station sa northern city ng Sad noong November 1 na nagresulta sa pagkasawi ng 15 katao.
Iniuugnay ang trahediya sa korupsiyon at substandard construction practices ng populist Serbian leadership na humantong sa malawakang daing at demands para sa pananagutan sa naturang insidente.
Inorganisa ng mga estudyante mula sa iba’t ibang unibersidad sa Belgrade ang protesta sa ilalim ng slogan na “There is No New Year — You Still Owe Us for the Old One.”
Isinigaw din ng mga ito ang mga katagang “We Want Justice!” at nag-alay ng 15 minutong katahimikan ilang minuto bago mag-palit ng taon para bigyang pagpupugay ang mga biktima ng Novi Sad tragedy.