-- Advertisements --
image 615

Niyanig ng magnitude 3.7 na lindol ang Masbate kaninang 6:40 ng umaga. Wala namang inaasahang aftershocks at pinsala kasunod ng lindol.

Naramdaman ang pagyanig sa City of Masbate kung saan nagkaroon ng Intensity 3. Sa Bulusan, Sorsogon; City of Legazpi, Abay naman ay intensity 1.

Habang naitala ang instrumental intensities sa Milagros at Masbate City, na may intensity 3. Intensity 2 naman sa Batuan at Aroroy, Masbate; Donsol, Sorsogon; City of Legazpi, Albay.