-- Advertisements --

Niyanig ng magnitude 6 na lindol ang probinsiya ng Masbate.

Ayon sa PHIVOLCS naganap ang pagyanig dakong 2:10 ng umaga at naitala ang epicenter nito ng 11 km.
southwest ng Batuan.

May lalim ang nasabing lindol ng 10 kilometro.

Naramdaman ang intensity 7 sa Masbate City habang intensity 5 naman ang naramdaman sa Dimasalang, San Fernando at Uson, Masbate.

Naramdaman naman ang intensity 4 sa Legazpi, Albay, Aroroy, Cataingan, Esperanza, Milagros, and Pio V. Corpuz, Masbate; Irosin, at Sorsogon City.

Wala namang naitalang nasawi subalit may mga gusali ang nagtamo ng mga damyos