Nagpaalala ang pamunuan ng Taguig City at Integrated Terminal Exchange (TCITX), sa mga motorista hinggil sa nagbabadyang trapik na sasalubong bukas, Lunes, Pebrero 3 sa bahagi ng Western Bicutan, Taguig City.
Papasinayan kasi bukas ang isang groundbreaking ceremony kung saan ang TCITX ay magkakaroon na ng sentralisadong lugar para sa pagkuha ng tiket at pagkuha ng pasahero. Pati na rin ang mga pasaherong concourse upang mapadali ang operasyon at mapabuti ang experience ng mga pasaherong babiyahe.
Kasama rin dito ang isang pedestrian walkway na magkokonekta sa Philippine National Railway (PNR) FTI Station at, Metro Manila Subway system na magpapadali umano ng access at magbibigay ng mas maginhawang koneksyon sa iba’t ibang mode ng transportasyon para sa mga komyuter, ayon sa Department of Transportation (DOTr).
‘Motorists traveling along East Service Road in Barangay Western Bicutan, Taguig City, should expect heavy traffic on Monday, February 3, from 8:00 AM to 1:00 PM,’ pahayag ng city government sa isang advisory nito.
Inaabisuhan naman ang mga driver na dumaan sa mga alternatibong ruta, kabilang na ang Skyway.
Samantala ayon sa ulat DOTr kapag naging operational na ito, makikinabang aniya ang mga pasaherong pupunta sa Batangas, Laguna, at iba’t-ibang bahagi ng Metro Manila, pati na rin ang mga tutungo sa mga terminal na kumokonekta aniya sa Visayas at Mindanao, ayon sa ulat ng DOTr.