Idineklara ng Hong Kong court na unconstitutional ang pagpapatupad ng anti-mask law sa lungsod kasunod ng nagpapatuloy na karahasan dito.
Sa inilabas nitong 106-page judgment ng, nakasaad ba hindi umano konektado sa Basic Law ang naturang mask ban at ginamit lamang ito ni Hong Kong leader Carrie Lam upang gumawa ng panibagong batas.
Pinaboran nina Justices Anderson Chow Ka-ming at Godfrey Lam Wan-ho ang 25 pan-democrats na sumubok sa nasabing batas na kaagad ipinatupad noon Oktubre 5.
Ang high-profile constitutional challenge ay naka sentro sa colonial-era Emergency Regulations Ordinance na Prohibition On Face Covering Regulation na ipinakilala ng gobyerno dahil sa dulot umanong panganib nito sa publiko.
Kinuwestiyon din ng korte ang naturang batas na nagbibigay kapangyarihan sa mga otoridad na utusan ang isang indibidwal na tanggalin ang kanilang suot na mask sa mga pampublikong lugar.
“There is practically no limit on the circumstances in which the power under that section can be exercised by a police officer,” saad sa desisyon.